MAHAL KITA MALAYA KA NA

ji

Mark Gil Macalinao.

Lahat ng taong umiibig ay nag-aalay ng oras, sakripisyo pagod at mahabang pang unawa para sa taong mahal nila. Pero pano nga ba tayo umaabot sa punto na kailangan na natin silang pakawalan at bitawan dahil wala na. wala na ang tamis ang dating masayang pagsasama ,wala nang saya ang dating mundong maligaya .wala ng oras ang bawat isa para ayusin ang gulong sumira, dumurog at gumunaw sa dating perpektong pagsasama. Ano nga ba ang nagtutulak sa atin upang gawin o sabihin sa taong pinakamamahal natin na mahal kita “Malaya ka na” mga katagang masakit man para sa atin ay kailangan nating bitawan para sa kapakanan ng taong ating minamahal. Mga katagang dudurog sa puso ng taong nagmamahal ng taong binigay naman lahat, lahat ng oras pagod at sakripisyo pero parang hindi sapat. Dahil sa kabila ng lahat ng mga ginawa ay nanlamig nawalan ng gana ang taong kanyang sinisinta na kahit bumaha ng lumuha dahil sa sobrang sakit ay wala ka nang magagawa dahil wala na sya. Bumitaw na sya iniwan ka sa laban na sabay nyong sinimulan, sumira sa pangako na sabay nyong sinumpaan at tumalikod sa responsibilidad na sabay nyo dapat tinutupad. Napasakit sa isang tao na sabihin sa sarili nya na talo ako,talo ako sa laban, laban na ipaglaban ang taong kanyang minamahal. Napakasakit na kahit ginawa mo na ang lahat ay parang kulang pa o hindi sapat na parang wala man lang syang naaapreciate sa mga ginawa mo na parang ang dali lang sa kanya na itapon ang ilan buwan at taon na inyong pinagsamahan ang mga saya at hirap na sabay nyo pinasaluhan at nilagpasan ng magkasama. Pero wala ka nang magagawa kundi umiyak ng umiiyak hanggang sa tuluyan nang maubos ang luha sayong mga mata upang masabi mo sa sarili mo wala na sya wala na kahit ano pa ang gawin mo ay di mo na mababalik ang dati at tanging umusad na lang ang tangi mong magagawa umusad ng mag isa at humarap sa mundo ng walang kasama.

26 thoughts on “MAHAL KITA MALAYA KA NA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s